Posts

Showing posts from November, 2020
Humayo Ka Aking Mahal (by: May S. Leynes) 1- Humayo ka aking mahal tugpahin na ang karagatan kung ito man ang huli na ikaw ay mayayakap hayaan mong tanawin ko ang pagpalaot mo. 2- Humayo ka aking mahal kahit malayo, o saan ka man mapadpad naririto ako, at sa iyo'y maghihintay iwanan mo ako sa aki'y ayos lang balikan mo ako katumbas na iyon ng toniladang kaligayahan. 3- Humayo ka na, ako'y iwan sa pampang lumuha man ako ihahatid ka ng tanaw. 4- Humayo ka... hindi na maaninag sa dagat ako'y nanatiling nakatanaw wala ka na, nilamon ng hangganan uuwi akong baon ay pag asa na isang araw ay babalik ka at tayo'y muling liligaya. *** 
Sa Dalampasigan (by: May S. Leynes) 1- Sa dalampasigan kung saan ang diwa ay naglalakbay dinadama ang mga lumipas ngiti, luha at pag asa na noon, winalang halaga. 2- At sa buhanging pino ang anino ng kahapo'y naroroon kumakaway, sumasayaw ipinadarama ang maligayang araw. 3- Larawan ay nakaguhit pag ibig ang inaawit humahaplos sa puso nag iiwan ng init sa kahapong nakangiti. 4- Sa dalampasigan na pino ang buhangin masarap lasapin ang sariwang hangin sa paa ay humahalik ang maalat na tubig yakapin mo ako ala alang nagbabalik. ___________________________________ *Note: Poem written and completed November 21, 2016 
Sa Kamay Ng Tadhana Ako'y Aasa (by: May S. Leynes) 1- Hindi ako nagpaalam para malaman mo na ako'y lilisan aalis ako para sa iyong kaayusan. 2- Hindi ako lalayo para ikaw ay iwan gagawin ko ito para bigyan ng puwang ang mga bagay na dapat mong pag isipan. 3- Habang wala ako at nasa malayo sana'y mapagtanto alin ang matimbang utak ba o puso. 4- Kung darating ang umaga na makakapiling ka parang nasalo ko bawat bulalakaw. 5- Kaya't hayaan mo na pakialaman tayo nitong kamay ng tadhanang may hawak ng mga puso. 6- Kaya huwag magdamdam O! mahal ko, sapagkat tayo'y magtatagpo nasaan ka man, maging ako landas nati'y magdurugtong. ______________________________________ *Note: Poem uploaded on December 19,2016. FB page: By: M.S.L
Sa Magkaparehong Buwan (by: May S. Leynes) 1- Magkaibang taon magkaibang katauhan magkaiba ang pamilyang pinagmulan sa magkaparehong buwan tayo ay isinilang. 2- Pagkakapareho at pagkakaiba hindi naman mahalaga basta't nauunawaan mo ako at naiintindihan kita. 3- Yung pagsasamahan natin na 'sangkatutak ang palpak Yung pagkakaibigan na mayroong kapintasan parte ito ng paglago ng ating karanasan bilang magkapatid sa napakagandang buwan. 4- Sa magkaparehong buwan tayo ay isinilang kung kelan ang maraming bulaklak ay namumukadkad lumalawig at umuunlad ang pagkakaibigan  bati ko sa iyo maligayang pasko mapalad ako, dahil parte ako ng isang nakakahamon na kabanata ng buhay mo. ________________________________________ * I dedicated this poem to my very dear friend Juvy, I love you Juvs! xoxo ***** *Note: Poem uploaded on December 22, 2016, FB Page: By;M.S.L
Musa Ko'y Nasaan? (by: May S. Leynes) 1- Hinahanap kita, kinakailangan sa linya kong lilikhain ang ganda mo'y aliw. 2- Hinahanap kita, nais na pagmasdan sa mensaheng nais kong iparating mga salita'y sa iyo nanggaling. 3- O! Aking musa, nasaan ka? ano't nagtatago, huwag kang lumayo ikaw ang liwanag at tibok ng puso ikaw ang lakas ng isipang ito sa bawat kong katha kasali ka at ako'y minamanipula. 4- O! Aking musa huwag ipagkait ang alindog ng paglikha huwag ipag damot ang katas ng salita na siyang bumubuo sa himay kong diwa. __________________________________________ *Note: Poem uploaded on December 25, 2016. Fb Page: By: M.S. L 
Malaya Ka Na (by: May S. Leynes) 1- Noong makilala ka agad akong nangarap na ako'y liligaya, sa isang umaga kasama ka agad akong umasam ng isang pamilya buo, tahimik at maligaya. 2- Hindi ako nagpatumpik tumpik agad kang inilagay sa gitna ng dibdib kung saan alam kong iyong madarama na isa ka sa rason ng bawat kong saya. 3- Ang isang tulad kong pagod na sa bangungot nangangailangan ng dibdib na may hamog kung saan sistemang kong liyo ay malilinawan sa tubig ng pagsuyo. 4- Subalit habang tumatagal naglalaho ang init at alab napapalitan na ng lamig at bagabag ang tanong na sa dibdib ko'y bumasag tayo ba o hindi ang magkapalad? 5- Sa pagkabasag ko'y aking napagtanto minsan, mas matamis ang sumuko kaysa ang umasa sa matinding ilusyon na hindi mangyayari matapos man ang paghuhukom. 6- Kaya't malaya ka na, mahal kong hindi pala akin kahit iniwan mo, hikbi ko'y hindi mo na maririnig sapagkat ang sakit na naipon sa dibdib sapat ng dahilan upang ikaw ay limutin. 
Sumbat  (by: May S. Leynes) 1- Sana'y nagising na sa kalaliman ng gabi upang hindi umabot sa paraiso ng bangungot kung saan ang sarili ay naiwaglit na hanggang ngayo'y hinahanap na pilit. 2- Ganito pala ang maligaw sa gubat ng pagsubok 'yung nilalandas at pilit na sinusuong sariling kakayahan, sariling isipan at maging damdamin nawalan ng saysay. 3- Kung sa buhay na tinugpa at dangal ay ubos na pakikihamok na walang silbi damdaming makati binudburan ng bulo ng pighati. 4- Ano pang maibibigay kung pag ibig ay simot na? ano pang maipangangako kung sarili ay wala na? saan na pupulutin ang basahang kaluluwa? may bukas bang naghihintay may liwanag bang tatanglaw upang sarili ay matagpuan? 5- Nasaan ang kamay ng taong ipinaglaban? Ito ba ang sukli sa inialay na pagmamahal? Ito ba ang ganti sa damdaming mapaghangad? Sapat na ba ang sarili na pambayad ng kasalanan? 6- Libong ulit man na sarili ay sumbatan Paano ang lumangoy sa lawa ng kapalaluan? Dugo o buhay ba ang tanging kabayar...
Image
Paalam (by: May S. Leynes) 1- Batid ko ang sakit ng isang iniwan Batid ko ang kirot ng pusong sugatan Ang unos na hatid ng isang kabiguan Nag iiwan ng pinsalang mahirap kalimutan. 2- Sana nga ay handang lumimot O hindi man lubusan Pero sana, kahit ka- kurot At kayanin at maipaglaban Upang hapdi ng sugat Tuluyang magpaalam. 3- Paalam sa iyo masarap na bangungot Naturuan mo ng husto Ang puso kong musmos Paalam sa iyo pagsinta kong bubot Naging guro ka sa aking pagpalaot Paalam sa iyo, maningning na hinagpis Nabihisan ako ng matatag na bagwis Paalam sa iyo o dakilang duwag Napamanahan mo ako ng kapirasong tapang. 4- Batid ko ang sakit ng isang iniwan Mag isa kang lumalangoy Sa dagat ng pagdaramdam Batid ko ang kirot ng pusong sugatan Habang panlanggas ay sariling luha Ang unos na hatid ng isang kabiguan Kailangan ng bitawan at iwan sa pampang Upang sa lungkot at hinagpis Tuluyan ng makapag paalam.
Kung Ako'y Muling Isisilang (by: May S. Leynes) 1- Mata mong bilog may lambing ng traydor na patalim bumabaon ang titig ninakaw mo ang pag-ibig puso ko'y inangkin mo sukdulang pumanaw ang nauna rito na siyang may ari ng pangalan ko. 2- Mahirap tanggapin ang duldol ng katotohanan hindi mo ako maaangkin kahit ang puso ko'y libong ulit mong bihagin. 3- Ang pananagutan ko sa batas, mundo at Diyos bilhin mo man ng salaping makinang mahirap tumbasan maliban sa tamis ng magpakailanman. 4- O! Babae . . . minasdan kita at hinangad subalit musmos ka sa kandungan ng iba doon ako'y napadpad. 5- Balingkinitang katawan kasing init nitong bulkan tinupok ang puso kong marupok, sa dampi ng labing mapusok na naghatid sa akin sa libingan ng pagsuko. 6- Bakit maganda ka babaeng tampalasan ang dila mong matamis may kamandag ang halik handa akong magkasala kung ikaw ang hahagkan. 7- Pananaw mong tuwid may sangang makitid kinapulutan ko ng pira pirasong hamon na nang mabuo ko'y magkapalad...
Gusto Kong Umasa na May Tayo Pa  (by: May S. Leynes) 1- Lagi kung inaabangan na ikaw ay dumaan gusto kong masilayan ngiti sa'yong labi na una kong minahal. 2- Mula sa malayo, ika'y aking minahal salamat sa hangin, nadarama ng puso ko sa iyo'y inihatid sa paglingon mo, 'di ko inaasahan na ang nadarama ko, ay tutugunin mo sapagkat masaya na ako na mahalin ka mula sa malayo. 3- Kay sarap isipin ng simula natin regalo ka sa akin ng mga bituin Mahal, sana'y habang buhay kitang kapiling. 4- Ngunit bakit naglalaho magandang simula at mga pangako? may pagkukulang ba ako at naibigay n'ya? Anong pagkakamali ko? O mali ba talaga na minahal kita ng sobra? 5- Gusto kong umasa na may tayo pa kahit alam ko na sa puso mo may puwang na siya. 6- Gusto kong umasa na may tayo pa patutunayan ko na hindi mali na maging akin kang muli.. Gusto kong umasa, dahil alam ko, Ikaw at ako, TAYO.
Kung Nasan Ka Man (by: May S. Leynes)  1- Sa paglipas ng panahon na wala ka't 'di na akin minsan ako'y nangulila hinahanap ka sa gabing madilim katabi ang bawat hikbi ng umidong pag-ibig at yakap ang pag asam na babalik ka rin. 2- Sa haba ng oras at mga araw ang paghiling na mayakap ka ngayo'y unti unting nalulusaw nagiging matabsing ang bawat sabaw ng pangarap ko na makasama ka balang araw. 3- Kung nasaan ka man sa mga sandaling ito at ninanamnam ang bagong irog mo sana'y marahuyo ka at hindi magbago upang wala ng tulad ko, na ipagluluksa ang katulad mo.
Baby Puchu (by: May S. Leynes) 1- Sa isang gabi ng buhay ko ikaw ay dumating nagkadaupa hindi lamang palad, pati na ang damdamin at ang aking puso na noo'y luray sa sakit at panimdim hinaplos mo ng isang mabilis na pag-ibig. 2- At sa pagkakalugmok ko sa isang kahapon hindi ko namamalayan na ikaw ay nalalayo hanggang sa aking matanto wala ka sa tabi ko, ngayon ako'y nalugmok. 3- Kung ang panalangin ko ay agad diringgin ng langit kong maliwanag na ngayo'y madilim kung pagbibigyan ako ng isang umaga landas nati'y magsasanga, ikaw ay makakasama. 4- Sa pagkindat nitong lumanding tadhana nayakap kang muli at aking nadama ang pagmamahal mo na binalewala ngayo'y aking ngiti at buong ligaya.

Nagsisisi Ako Na May Ngiti Sa Labi

Image
Nagsisisi Ako Na May Ngiti Sa Labi                      (by: May S. Leynes) 1- Minsan isang gabi nakatulog akong birheng matimtiman pagdilat ng mata katabi ko mandin ay hubad na adan kaagad dumaloy mga pangyayari sa aking isipan at ang gabing yaon ay nagsilbing batik sa iningatang dangal. 2- Totoong ang sugat sa laman at balat ay madaling maghilom ngunit pag nasugatan ay damdamin magbibilang ng panahon araw gabi itong luha'y bumabalong nakangiti ang labi kalooban ay nagngunguyngoy. 3- Matapos ang maraming buwan kirot ay natabunan nitong mga saya at pangarap na may katayugan pagkabigo ay hinalinhan ng mga ngiti at pag asam sa isang bituin na kay layo naman ng kinalalagyan. 4- Pag ibig na hindi pinahalagahan sandaling nalimot hanggang sa tuluyang nawala na ang lungkot nagsimula ng bago iniwan ang nakaraan libro at silid aklatan ang naging kaibigan. 5- Itong mga araw na dumaraan maraming iniiwan gaano man kahalaga ay nilala...
Para Sa Mahal Kong A.R (by: May S. Leynes) 1- Nagtagpo ang aming mga mata sa kakatwang sitwasyon sa labas ng simbahan ay kung bakit puso kay bilis ng pintig parang may kabayong ang takbo'y mabilis at kahit may kaba ay ngumiting pilit. 2- Nagdaop ang mga palad namin at nagkakilala kahit hindi alam ang sasabihin sa isa't isa matiim ang pagtingin ilipad nawa ng hangin ang kabang nasa aking dibdib. 3- Mga mata niyang parang nangungusap mga palad niyang mainit, kay inam humawak na parang palad ko'y ayaw pakawalan paligid ko'y kulay rosas nangangarap, isip ay lumilipad. 4- Lumipas ang ilang araw ang ugnayan namin ay teks at tawag lang marinig ko lang boses niya masaya ako't puno ng sigla ganito ba ang pag ibig? hindi inaasahang madadama pala. 5- Nais kong isigaw sa mundo minamahal ko siya, sana po ay ingatan Mo sa isang labanan ng magkapwa Pilipino sa alitang hindi mawatasan bakit 'di magkaisa, bakit naglalaban? Diyos ko, ang minamahal ko, iyo pong ingatan. 6- Halos m...
Hindi Ka Akin (by: May S. Leynes) 1- Mahal mo siya pero itinutulak ka sa iba iniingatan mo ang puso niya habang sinasaktan ka pinahihirapan, pinagmumukhang tanga dahil siya ay may mahal ng iba, inuunawa mo, sinusunod lahat ng gusto pero ang batok mo ay may bakas ng matalim niyang kuko. 2- Saksi ang puso ko sa kamartiran mo dama ko ang lungkot na nadarama mo dama ko ang pagnanais mo na magkaayos kayo hanggang saan mo matitiis ang pagdurusang nararanasan mo? 3- Ano ba ang tawag sa aking damdamin na kapag nakikita ka puso'y tumitibok ng matulin isang ngiti mo lang natataranta na paano pa kaya kung ako'y yakap yakap mo na? 4- Masaya na akong makita kang nakangiti at nalilimutan ang babaeng mapanakit kung bakit ba naman huli akong isinilang sana'y nagkatagpo tayo noon pa man sana'y ikaw at ako ang naging magkapalad. 5- Unti unti'y napapawi lungkot sa'yong mata masaya ako na sa piling ko ika'y maligaya sana nga'y pag ibig ko ang nakapawi ng lungkot mo sana nga...
Boy (by: May S. Leynes) 1- Habang ako'y nakatanaw sa pagdungaw ng haring araw isa isang dinadama ang dalamhati ng silangan. 2- At sa silanga'y kinapa ko ang kamay ng pagsubok kaya ngayo'y nalito at nais na maglaho. 3- O! bugtong ng kabiguan bakit ka nandito sa aking harapan? at hinahamon aking katinuan habang ako'y nilalason ng isang paalam.
May Be One Day (by: May S. Leynes) 1- May be one day I'll learn to let go the hate and sadness and all the negative feelings. 2- May be one day I'll find peace within and let love grow in my heart. 3- May be one day someone will care for me someone will come and will have me hold my hand and will never leave me. 4- May be one day people will value me and see my worth, may be one day.
Because I Love You (by: May S. Leynes)  1- Yes I love you you know it so well from the very beginning. 2- And because I love you I'm here in the corner patiently waiting. 3- And because I love you I can bear thousands pain just to be with you, darling. 4- Yes.. I love you but if one day it ends always remember that I care so much but I won't hold on to impossible. 5- I'm freeing you not because I'm tired but because I want you, to be happy.

In This Farm (15 poems)

Image
In This Farm (15 poems)  (by: May S. Leynes) 1- The Rice Field I inhale the morning air fresh, and I breath this is the thing I miss in the city life where I chased my dreams. But here I am savoring the long lost feeling.. I'm home the view the air the gentle ray of sun in the rice field so refreshing. And the old, golden days of mine flashing in my mind. So good morning to the sweet and lovely bird to the colorful butterfly to the strong Buffalo and to that rice field that fed me.. my stomach my soul my heart.. 2- Agos River That blue water, magical view of the Agos River where I swim and dive when I was a child. Its flow is like life once it's passed it will never come back so go, young people make memories you can treasure. Oh! Agos River you once like a paradise and I am your little mermaid, swimming and collecting feelings of love and happiness that for my lifetime I will cherish.. 3- The Garden Lovely flowers its green, healthy leaves I love you you colored  ...
  The Silence (by: May S. Leynes) 1- I feel so happy seeing that you smile you laugh and you're not nagging me. 2- You let me do what I want and you didn't complained you let me dance you let me sing and still, you smile and never said anything. 3- You let me hangout with 'friends' and gone drunk with them and bar hopping come home late and can't even change or undress and still, you smile at me and never said anything. 4- Until one morning, I woke up alone, in our bed. 5- And I remember the words you said: "When I'm tired and have had enough you will never ever heard a word from me, anymore I will just leave and forget you." 6- And I cried silently as silent as you left me and wishing that you hear me even it's a dream I still hoping, in silence.
 'Til My End (by: May S. Leynes) 1- Broke into pieces can't see any hope can't walk just a weak spirit lying in the sea of giving up. 2- Your voice the song and lyrics keeps playing in my head tearing my entire soul. 3- Just leave please let me die this way let me suffer until my end. 4- How dare you helping me after breaking me let me die this way see me suffer until my last breath. 5- If your happiness is my suffering let me suffer enjoy every pieces of it cheers while my tears flowing I'll be glad seeing you smiling 'til my end.

Thank You, My Love

 Thank You, My Love (by: May S. Leynes) 1- I'm done believing in love I stopped dreaming of forever and I deleted the word happiness in my head. 2- But here you are knocking at my door bringing gift I thought I already forget. 3- Love forever happiness and I gladly accepted it. 4- Thank you, not for everything but for being genuine thank you, for knocking at my door and for being insisting thank you, for waking me up and for guiding me to the light. 5- My Love My Forever My Happiness thank you for helping me to heal my broken heart.
 Holding On (by: May S. Leynes) 1- Sitting here reminiscing our mischievous days. 2- You poke me we laugh our conversation high fives and silly chat makes me smile. 3- You get drunk and I tended you you smile at me and say: "Thank you." 4- We are not perfect but beautiful together and in so much love we lost, still. 5- You cheat and made mistakes I forgave you but it's too late. 6- You end what we have but I hold on you want me gone but I pray you want her but I'm here. 7- Even if you end us this way I will love you still I don't want to close our chapter I will hold on even if it seems impossible for us but at least I can carry on. 8- Hoping dreaming praying holding on..
 Deeply (by: May S. Leynes) 1- I'm contented living alone used to walk, to eat to sleep and to wake up, alone and convinced myself that it's really fine to live alone. 2- Until you came walked into my life and contentment and alone words like a wind, suddenly gone. 3- You introduced me to the feelings I thought I'd never remember happiness is what I want I fully admitted it, and submit. 4- Days passed months and I woke up in the middle of the night crying fall asleep in noon dreaming and hoping in every morning that this sadness ends. 5- Wishing I never met you wishing I never had this chance to know you and never had this chance to love you, 6- Deeply.
 Still (by: May S. Leynes) 1- "Just let me go." "Don't call me." "Don't talk to me." and; "I give up." 2- Those are my lines those are what I said when we're fighting. 3- But even when I'm sad I still waiting for your call I still hoping for a message and praying that you'll come back. 4- To me.. and to the home and dreams that we both built and shared and cared.