Sa Kamay Ng Tadhana Ako'y Aasa
(by: May S. Leynes)

1-
Hindi ako nagpaalam
para malaman mo na ako'y lilisan
aalis ako para sa iyong kaayusan.

2-
Hindi ako lalayo para ikaw ay iwan
gagawin ko ito para bigyan ng puwang
ang mga bagay na dapat mong pag isipan.

3-
Habang wala ako
at nasa malayo
sana'y mapagtanto
alin ang matimbang
utak ba o puso.

4-
Kung darating ang umaga
na makakapiling ka
parang nasalo ko
bawat bulalakaw.

5-
Kaya't hayaan mo
na pakialaman tayo
nitong kamay ng tadhanang
may hawak ng mga puso.

6-
Kaya huwag magdamdam
O! mahal ko,
sapagkat tayo'y magtatagpo
nasaan ka man, maging ako
landas nati'y magdurugtong.




______________________________________
*Note: Poem uploaded on December 19,2016. FB page: By: M.S.L

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN