Paalam
(by: May S. Leynes)

1-
Batid ko ang sakit ng isang iniwan
Batid ko ang kirot ng pusong sugatan
Ang unos na hatid ng isang kabiguan
Nag iiwan ng pinsalang mahirap kalimutan.

2-
Sana nga ay handang lumimot
O hindi man lubusan
Pero sana, kahit ka- kurot
At kayanin at maipaglaban
Upang hapdi ng sugat
Tuluyang magpaalam.

3-
Paalam sa iyo masarap na bangungot
Naturuan mo ng husto
Ang puso kong musmos
Paalam sa iyo pagsinta kong bubot
Naging guro ka sa aking pagpalaot
Paalam sa iyo, maningning na hinagpis
Nabihisan ako ng matatag na bagwis
Paalam sa iyo o dakilang duwag
Napamanahan mo ako ng kapirasong tapang.

4-
Batid ko ang sakit ng isang iniwan
Mag isa kang lumalangoy
Sa dagat ng pagdaramdam
Batid ko ang kirot ng pusong sugatan
Habang panlanggas ay sariling luha
Ang unos na hatid ng isang kabiguan
Kailangan ng bitawan at iwan sa pampang
Upang sa lungkot at hinagpis
Tuluyan ng makapag paalam.

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN