Sa Dalampasigan
(by: May S. Leynes)

1-
Sa dalampasigan
kung saan ang diwa ay naglalakbay
dinadama ang mga lumipas
ngiti, luha at pag asa
na noon, winalang halaga.

2-
At sa buhanging pino
ang anino ng kahapo'y naroroon
kumakaway, sumasayaw
ipinadarama ang maligayang araw.

3-
Larawan ay nakaguhit
pag ibig ang inaawit
humahaplos sa puso
nag iiwan ng init
sa kahapong nakangiti.

4-
Sa dalampasigan
na pino ang buhangin
masarap lasapin
ang sariwang hangin
sa paa ay humahalik
ang maalat na tubig
yakapin mo ako
ala alang nagbabalik.



___________________________________
*Note: Poem written and completed November 21, 2016 

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN