Musa Ko'y Nasaan?
(by: May S. Leynes)

1-
Hinahanap kita, kinakailangan
sa linya kong lilikhain
ang ganda mo'y aliw.

2-
Hinahanap kita, nais na pagmasdan
sa mensaheng nais kong iparating
mga salita'y sa iyo nanggaling.

3-
O! Aking musa, nasaan ka?
ano't nagtatago, huwag kang lumayo
ikaw ang liwanag at tibok ng puso
ikaw ang lakas ng isipang ito
sa bawat kong katha
kasali ka at ako'y minamanipula.

4-
O! Aking musa
huwag ipagkait ang alindog ng paglikha
huwag ipag damot ang katas ng salita
na siyang bumubuo sa himay kong diwa.




__________________________________________
*Note: Poem uploaded on December 25, 2016. Fb Page: By: M.S. L 

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN