Boy
(by: May S. Leynes)

1-
Habang ako'y nakatanaw
sa pagdungaw ng haring araw
isa isang dinadama
ang dalamhati ng silangan.

2-
At sa silanga'y kinapa ko
ang kamay ng pagsubok
kaya ngayo'y nalito
at nais na maglaho.

3-
O! bugtong ng kabiguan
bakit ka nandito sa aking harapan?
at hinahamon aking katinuan
habang ako'y nilalason ng isang paalam.

Comments

Popular posts from this blog

Nagsisisi Ako Na May Ngiti Sa Labi