Sa Magkaparehong Buwan
(by: May S. Leynes)

1-
Magkaibang taon
magkaibang katauhan
magkaiba ang pamilyang pinagmulan
sa magkaparehong buwan
tayo ay isinilang.

2-
Pagkakapareho at pagkakaiba
hindi naman mahalaga
basta't nauunawaan mo ako
at naiintindihan kita.

3-
Yung pagsasamahan natin
na 'sangkatutak ang palpak
Yung pagkakaibigan
na mayroong kapintasan
parte ito ng paglago
ng ating karanasan bilang magkapatid
sa napakagandang buwan.

4-
Sa magkaparehong buwan
tayo ay isinilang
kung kelan ang maraming bulaklak
ay namumukadkad
lumalawig at umuunlad
ang pagkakaibigan 
bati ko sa iyo maligayang pasko
mapalad ako, dahil parte ako
ng isang nakakahamon
na kabanata ng buhay mo.



________________________________________
* I dedicated this poem to my very dear friend Juvy, I love you Juvs! xoxo
*****
*Note: Poem uploaded on December 22, 2016, FB Page: By;M.S.L

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN