Malaya Ka Na
(by: May S. Leynes)

1-
Noong makilala ka agad akong nangarap
na ako'y liligaya, sa isang umaga kasama ka
agad akong umasam ng isang pamilya
buo, tahimik at maligaya.

2-
Hindi ako nagpatumpik tumpik
agad kang inilagay sa gitna ng dibdib
kung saan alam kong iyong madarama
na isa ka sa rason ng bawat kong saya.

3-
Ang isang tulad kong pagod na sa bangungot
nangangailangan ng dibdib na may hamog
kung saan sistemang kong liyo
ay malilinawan sa tubig ng pagsuyo.

4-
Subalit habang tumatagal
naglalaho ang init at alab
napapalitan na ng lamig at bagabag
ang tanong na sa dibdib ko'y bumasag
tayo ba o hindi ang magkapalad?

5-
Sa pagkabasag ko'y aking napagtanto
minsan, mas matamis ang sumuko
kaysa ang umasa sa matinding ilusyon
na hindi mangyayari matapos man ang paghuhukom.

6-
Kaya't malaya ka na, mahal kong hindi pala akin
kahit iniwan mo, hikbi ko'y hindi mo na maririnig
sapagkat ang sakit na naipon sa dibdib
sapat ng dahilan upang ikaw ay limutin. 

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN