Baby Puchu
(by: May S. Leynes)
1-
Sa isang gabi ng buhay ko ikaw ay dumating
nagkadaupa hindi lamang palad, pati na ang damdamin
at ang aking puso na noo'y luray sa sakit at panimdim
hinaplos mo ng isang mabilis na pag-ibig.
2-
At sa pagkakalugmok ko sa isang kahapon
hindi ko namamalayan na ikaw ay nalalayo
hanggang sa aking matanto
wala ka sa tabi ko, ngayon ako'y nalugmok.
3-
Kung ang panalangin ko ay agad diringgin
ng langit kong maliwanag na ngayo'y madilim
kung pagbibigyan ako ng isang umaga
landas nati'y magsasanga, ikaw ay makakasama.
4-
Sa pagkindat nitong lumanding tadhana
nayakap kang muli at aking nadama
ang pagmamahal mo na binalewala
ngayo'y aking ngiti at buong ligaya.
Comments
Post a Comment