Humayo Ka Aking Mahal
(by: May S. Leynes)

1-
Humayo ka aking mahal
tugpahin na ang karagatan
kung ito man ang huli
na ikaw ay mayayakap
hayaan mong tanawin ko
ang pagpalaot mo.

2-
Humayo ka aking mahal
kahit malayo, o saan ka man mapadpad
naririto ako, at sa iyo'y maghihintay
iwanan mo ako sa aki'y ayos lang
balikan mo ako
katumbas na iyon ng toniladang kaligayahan.

3-
Humayo ka na,
ako'y iwan sa pampang
lumuha man ako
ihahatid ka ng tanaw.

4-
Humayo ka...
hindi na maaninag
sa dagat ako'y nanatiling nakatanaw
wala ka na, nilamon ng hangganan
uuwi akong baon ay pag asa
na isang araw ay babalik ka
at tayo'y muling liligaya.


*** 

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN