Kung Nasan Ka Man
(by: May S. Leynes)
1-
Sa paglipas ng panahon
na wala ka't 'di na akin
minsan ako'y nangulila
hinahanap ka sa gabing madilim
katabi ang bawat hikbi
ng umidong pag-ibig
at yakap ang pag asam na babalik ka rin.
2-
Sa haba ng oras at mga araw
ang paghiling na mayakap ka
ngayo'y unti unting nalulusaw
nagiging matabsing ang bawat sabaw
ng pangarap ko na makasama ka
balang araw.
3-
Kung nasaan ka man
sa mga sandaling ito
at ninanamnam ang bagong irog mo
sana'y marahuyo ka at hindi magbago
upang wala ng tulad ko,
na ipagluluksa ang katulad mo.
Comments
Post a Comment