Sumbat 
(by: May S. Leynes)

1-
Sana'y nagising na sa kalaliman ng gabi
upang hindi umabot sa paraiso ng bangungot
kung saan ang sarili ay naiwaglit
na hanggang ngayo'y hinahanap na pilit.

2-
Ganito pala ang maligaw sa gubat ng pagsubok
'yung nilalandas at pilit na sinusuong
sariling kakayahan, sariling isipan
at maging damdamin nawalan ng saysay.

3-
Kung sa buhay na tinugpa
at dangal ay ubos na
pakikihamok na walang silbi
damdaming makati
binudburan ng bulo ng pighati.

4-
Ano pang maibibigay kung pag ibig ay simot na?
ano pang maipangangako kung sarili ay wala na?
saan na pupulutin ang basahang kaluluwa?
may bukas bang naghihintay
may liwanag bang tatanglaw
upang sarili ay matagpuan?

5-
Nasaan ang kamay ng taong ipinaglaban?
Ito ba ang sukli sa inialay na pagmamahal?
Ito ba ang ganti sa damdaming mapaghangad?
Sapat na ba ang sarili na pambayad ng kasalanan?

6-
Libong ulit man na sarili ay sumbatan
Paano ang lumangoy sa lawa ng kapalaluan?
Dugo o buhay ba ang tanging kabayaran
upang bakas ng lumipas ay mahugasan?



__________________________________
*Note: Poem uploaded in Facebook page- By: M.S.L, December 27, 2016

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN