Gusto Kong Umasa na May Tayo Pa
 (by: May S. Leynes)

1-
Lagi kung inaabangan
na ikaw ay dumaan
gusto kong masilayan
ngiti sa'yong labi
na una kong minahal.

2-
Mula sa malayo, ika'y aking minahal
salamat sa hangin, nadarama ng puso ko
sa iyo'y inihatid
sa paglingon mo, 'di ko inaasahan
na ang nadarama ko, ay tutugunin mo
sapagkat masaya na ako
na mahalin ka mula sa malayo.

3-
Kay sarap isipin ng simula natin
regalo ka sa akin ng mga bituin
Mahal, sana'y habang buhay kitang kapiling.

4-
Ngunit bakit naglalaho
magandang simula at mga pangako?
may pagkukulang ba ako at naibigay n'ya?
Anong pagkakamali ko?
O mali ba talaga
na minahal kita ng sobra?

5-
Gusto kong umasa na may tayo pa
kahit alam ko na sa puso mo
may puwang na siya.

6-
Gusto kong umasa na may tayo pa
patutunayan ko na hindi mali
na maging akin kang muli..

Gusto kong umasa,

dahil alam ko,

Ikaw at ako,

TAYO.

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN