Posts

Showing posts from December, 2020

US

 Music in the afternoon After some errands Sipping coffee Hoping you're here With me. I don't want to look back To the songs we both love To the foods we both craved To the things we used to do But I can't escape. You're in every melodies and lullabies You're in every dreams and prayers You're in every part of me... How are you? Hope you're fine Eating well Happy and handsome And safe. I want to hug you so tight Enjoy the lyrics with you Laugh Giggle And cherish the moment. But this is our story Our poems.. Of disappointments and big love Of every tears and smiles Of deferred hopes and plans Of surrender and holding on.. (By: May S. Leynes)

"Bakit?"

 Parang na luntian Kulisap na nagliliparan Damo at bulaklak Hanging masarap. Batis na mabato Tubig na umaagos Sa gilid mo'y Usang maamo. Sa tahimik na pag inom Sa munting pagkalingat Nakalapit ng maingat Trahidor na nilalang. Sa kubli ng mga bato Doon nakasuksok Ulupong na edukado Usang walang malay Tinuklaw mula sa likuran. "Bakit?" Tanga't bagbag na tanong "Bakit s'ya pa?" Na iningatan ko sa Paraiso ng puso at pagsuyo! (By: May S. Leynes)

Hanggang Balang Araw

 Kung tadhana ito'y ipauubaya ko Masakit, mahirap Kuwit sa pangarap Na makapiling ka hanggang ating wakas. Malayo man ako'y Kita'y mamahalin Ipagdarasal at aalalahanin Taimtim na bulong sa hangin Mag ingat ka lagi, sarili'y kalingain. Mula ngayon hanggang balang araw Buong puso't buong ako'y handa sa'yo't laan Alaala nati'y pakaiingatan Hanggang makita kang muli, isang araw. Mula ngayon hanggang balang araw Aantayin kita sa laang tagpuan Kung saan naroroon ating kapalaran Bigkis na damdamin Wagas, tunay na pagmamahal. Mula ngayon Hanggang balang araw.. (By: May S. Leynes)

YAPOS

Baon ka sa dibdib Habang papalayo Kasabay ang luhang Walang habas Ang pagpatak. Dasal ka habang bagtas Landas na papagitan Sa mga pisikal Nilalagot sa isipan Kahit anong hadlang Dahil puso at nadarama'y Mananatiling yapos ka. Nasaan man ako'y Tatangayin ng hangin Ihahatid ang pagsuyo Ng bawat bituin Hahagkan ka't kukumutan Sa iyong pagtulog Hanggang sa mahimbing. *** (By: May S. Leynes)

Inaglahing Pagsuyo

Hamak akong likha Na sa iyo'y nagmamahal Buhos ang puso Isip at kamalayan Alay ang oras At buong panahon Nasa tabi mo't Hindi lumalayo. Ahas na lalang Hinubog sa kadawagan Nang malingat ako'y Tinuklos ka na lang. Likod na sugatan Patalim na nakatarak Kamandag na pumapatay Tigagal na himaymay Umaandap andap Liwanag ng isipan Inaglahing pagsuyo Sa bilang na hininga'y Ipinagsusumamo. By: May S. Leynes