YAPOS

Baon ka sa dibdib
Habang papalayo
Kasabay ang luhang
Walang habas
Ang pagpatak.

Dasal ka habang bagtas
Landas na papagitan
Sa mga pisikal
Nilalagot sa isipan
Kahit anong hadlang
Dahil puso at nadarama'y
Mananatiling yapos ka.

Nasaan man ako'y
Tatangayin ng hangin
Ihahatid ang pagsuyo
Ng bawat bituin
Hahagkan ka't kukumutan
Sa iyong pagtulog
Hanggang sa mahimbing.


***
(By: May S. Leynes)

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN