"Bakit?"

 Parang na luntian
Kulisap na nagliliparan
Damo at bulaklak
Hanging masarap.

Batis na mabato
Tubig na umaagos
Sa gilid mo'y
Usang maamo.

Sa tahimik na pag inom
Sa munting pagkalingat
Nakalapit ng maingat
Trahidor na nilalang.

Sa kubli ng mga bato
Doon nakasuksok
Ulupong na edukado
Usang walang malay
Tinuklaw mula sa likuran.

"Bakit?"
Tanga't bagbag na tanong
"Bakit s'ya pa?"
Na iningatan ko sa
Paraiso ng puso at pagsuyo!

(By: May S. Leynes)

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN