Inaglahing Pagsuyo

Hamak akong likha
Na sa iyo'y nagmamahal
Buhos ang puso
Isip at kamalayan
Alay ang oras
At buong panahon
Nasa tabi mo't
Hindi lumalayo.

Ahas na lalang
Hinubog sa kadawagan
Nang malingat ako'y
Tinuklos ka na lang.

Likod na sugatan
Patalim na nakatarak
Kamandag na pumapatay
Tigagal na himaymay
Umaandap andap
Liwanag ng isipan
Inaglahing pagsuyo
Sa bilang na hininga'y
Ipinagsusumamo.

By: May S. Leynes

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN