Hanggang Balang Araw

 Kung tadhana ito'y ipauubaya ko
Masakit, mahirap
Kuwit sa pangarap
Na makapiling ka hanggang ating wakas.

Malayo man ako'y
Kita'y mamahalin
Ipagdarasal at aalalahanin
Taimtim na bulong sa hangin
Mag ingat ka lagi, sarili'y kalingain.

Mula ngayon hanggang balang araw
Buong puso't buong ako'y handa sa'yo't laan
Alaala nati'y pakaiingatan
Hanggang makita kang muli, isang araw.

Mula ngayon hanggang balang araw
Aantayin kita sa laang tagpuan
Kung saan naroroon ating kapalaran
Bigkis na damdamin
Wagas, tunay na pagmamahal.

Mula ngayon
Hanggang balang araw..


(By: May S. Leynes)

Comments

Popular posts from this blog

If Cloud 9 is Real

Somewhere in the Past

WOMAN