Ligtas Kailanman
π: May S. Leynes
πΈ: May S. Leynes
1-
Sa pagdating ko
Sa mundong ito
Sa pagmulat ng mga mata
Sa pagpalaot ng isipan
Dilang kasalanan
Ikinulay sa buhay.
2-
Sa kinang na hatid
Ng makasanlibutang nasa
Kahulugan ng buhay
Ay naglaho na
Bansot na tag araw
Malabay na dahon
Ng pagkakasala.
3-
Tingnan mo
Makasalanang lalang
Damhin mo
O damdaming inulila
Na ng pag ibig
Yakapin mo
Liwanag ng Ama
Ligtas kailanman
Ang manalig sa Kanya.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
www.wattpad.com/yamzenyel_
Comments
Post a Comment