Lagi Kaming Ilapit sa Puso ng Diyos
📷: May S. Leynes
Title: Lagi Kaming Ilapit sa Puso ng Diyos
(May S. Leynes)
1-
Ikaw ang nagbigay
Nagpahintulot na ako'y isilang
Masilayan ko at mapagmasdan
Habang buhay
Ang kagandahan ng mundo.
2-
Ikaw, at ang pagsubok Mo
Kumukulay sa buhay na ito
Ang naglalayo rin sa akin
Mula sa Iyo.
3-
Ama, hayaan ang mga anghel Mo
Na lagi akong ilapit sa Iyo
Lumalayo mang pilit
Suwail na puso ko.
(Lagi kaming ilapit, o anghel sa langit)
4-
Ama, hayaan ang mga anghel Mo
Na lagi akong ilapit sa Iyo
Palalong landas man
Ang tinugpa ng paang ito.
Sana sa bawat dulo
Nakatayo ka sa landas ko
At kaagapay ko sa lupang ito..
______________________________________________
***
www.wattpad.com/yamzenyel_
buymeacoffee.com/zenleynes
Comments
Post a Comment