Posts

Showing posts from July, 2022

Kaliwanagan

Image
Kaliwanagan Isinulat ni: May S. Leynes 1 Ang buhay kong nabuo at isinilang kasama ng liwanag Ay nagbago at napadpad sa sapot ng kasalanan Yumakap at nagpasakop sa pangarap Na makasanlibutan. 2 Hinayaan ko ang puso ko na balutin ng dilim Tamnan ng binhing itim ang tabal na damdamin Kalimutan ang langit at sa poot ay magpadagit. 3 Hanggang sa anihin na ang bawat bunga Hinog na hinog may sukdol ang pait at pakla Ang lasa ng kasalanan kapag nga nakita Tapik lamang ng kapighatian ang makapagpipinta. 4 Ang biak na langit na may liwanag na nakasilip Tagusin mo nawa ang isip at pinakalitid Hayaang kaliwanagan sa himaymay ko'y maglakbay At maging gabay ko upang bahagyang mahugasan At tigib na puso ko'y gumaan. 5 Puspusin Mo, Ama, ng kaliwanagan Kaluluwa ko'y haplusin at dampian Ng awa Mo't pagpapatawad Hayaan Mo po akong muli'y matagpuan Ang iwinaglit kong pag ibig Mong higit pa sa tunay.